Kabanata 2086
Sumagot si Fane nang hindi lumilingon para tignan sila, "Kung ganun, iniisip mo na dapat pinili naming manatili sa loob? Sa ganito, hindi kami mawawalan, tama?" Walang pagbabago sa ekspresyon ni Fane nang nagsalita siya pero maririnig ng kahit na sinong may utak ang galit sa mga salita ni Fane. Mabilis humusga si Jed. Puno siya ng papuri kapag maayos ang lahat pero hindi siya nagpipigil ng paghusga kapag may masamang nangyayari.
Hindi nagtangka si Jed na itaas ang mukha niya para tignan si Fane. Gayunpaman, may bakas ng hindi pagiging kumbinsido sa kanyang nakalihis na mga mata. "Hindi ganun ang sabi ko. Pakiramdam ko lang ay nagmamadali tayong lumabas. Kung mananatili pa tayo sa loob ng ilan pang araw, hindi sana mangyayari ang ganitong mga problema."
Bahagyang suminghal si Fane at nagpatuloy siyang tumingin sa harapan gamit ng kanyang mala-agilang mga mata. "Kung ganun, bakit di mo to sinabi bago ang lahat? Nanahimik ka noon pero mas marami kang sinasabi kesa sa lahat ngayong may

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda