Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 2125

Nakakasiguro si Fane na ang ilusyon na nakita niya ay ang alaala ng mythical beast, at ito ay isang bagay na nag-iwan ng malalim na impresyon sa beast. Napasimangot si Nash sa gulat. At nung tatanungin pa sana ni Nash si Fane, may biglang kumatok sa pinto. Napasimangot si Fane at nagtanong, “Sino naman ang gagambala sa akin sa oras na ito?” Hindi inaasahan, gulat na napatingin si Nash kay Fane at sinabi, “Marahil sila Noel at Brook na ito. Hindi ba’t sinabi sayo ni Noel? Ang sabi niya ay dadalhin ka niya sa lugar ng pagtitipon para sa roll call makalipas ang sampung araw.” Halatang nagulantang si Fane, bakas sa kung paano nanlaki ang kanyang mga mata sa mga sinabi ni Nash. Bahagyang nanginig ang mga kanto ng kanyang bibig. “Ibig mo bang sabihin ay nagsanay ako sa loob ng sampung araw?” Nakita ni Nash ang ekspresyon ni Fane at kaagad na naunawaan kung bakit ito gulat na gulat. Tumango si Nash at sinabi, “Tama, sampung araw na ang lumipas.” Napabuntong hininga ng mahaba si Fane haba

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.