Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 2150

Tumawa nang malakas si Wesley. Pagkatapos ay huminga siya nang malalim at sinabi, “Dito niya malalaman na hindi niya dapat banggain ang kuya ko! Hindi lamang kami ang minaliit niyua kundi ang lahat ng mga formal disciple!” Hinila ni Brook ang manggas ni Noel at bumulong dito, “Bakit pumayag si Brother Fane na makipaglaban? Akala ko…” Hindi na siya hinintay ni Noel na makatapos. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Fane? Siya ang nagbigay ng ideyang ito. Hindi niya ito gagawin kung hindi siya sigurado,” nagmamadaling sinabi ni Noel. Walang masabi si Brook. Kumunot ang noo niya at tumingin siya kay Noel. “Akala ko ginagalit lang niya si Oliver. Baka hindi niya inakalang papayagan siya ng First Elder at Second Elder.” Suminghal si Noel sa pagsuko at bumulong siya sa kanyang sarili. “Mukhang hindi mo talaga kilala si Fane. Hindi ko na dapat sayangin ang hininga ko at manahimik na lang. Hindi naman sa sigurado ako sa nasa isip niya. Ang alam ko lang ay dapat hintayin natin ang resulta.”

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.