Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 2157

”Handa akong pumusta na tinanggap ni Oliver ang hamon habang iniisip na magagawa niyang durugin si Fane sa ilang tira lang. Subalit, pagmasdan, nagawa ni Fane na iwasan ang mga atake niya, kaya hindi na nakakapagtaka na kinamumuhian niya ito ng husto.” Ang paliwanag ng lalaking ito ay risonable, at ang lahat ng nasa paligid niya ay sumang-ayon. Tama naman siya. Ang galit ni Oliver para kay Fane ay talaga naman hindi makatwiran. Inisip niya talaga na magagawa niyang tapusin ang laban sa isang galaw lang; hindi niya inaasahan na mala-palos pala itong si Fane. Suminghal si Oliver, at sinabi, “Ito lang ba ang kaya mo? Umiwas ka lang hangga’t kaya mo ngunit walang magbabago! Hindi ko pa ginagamit ang buong lakas ko kanina kaya huwag mong isipin na limitado lang sa ganito ang aking bilis!” Kaagad siyang sumugod na parang kanyon kay Fane. Ang bola ng liwanag ay nakakasilaw sa kanyang mga kamay, at sa ilang kumpas lang, limang light blades ang lumipad mula rito, na sumugod kay Fane ng may

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.