Kabanata 2488
Kumulo ang dugo ni Rudy dito. Galit niyang sinabi, "Anong ibig-sabihin mo niyan, Fane?! Huwag mong akalain na pwede mo nang gawin ang kahit anong gusto mo dahil lang pinalagpas kita kanina!"
Natawa si Fane. Anong ibig-sabihin niya ng pinalagpas siya nito kanina? Malinaw na natakot lang si Rudy sa lakas ni Fane. Ayaw nang sumagot ni Fane at humarap siya kay Hansel.
Tanong niya, "Paano mo nakalaban ang one-eyed frost wolf?"
Diretso ang tanong ni Fane. Malalaman rin niya kung gaano katapat si Hansel mula sa kanyang sagot. Nakadepende ito sa kung anong itatago ni Hansel mula sa kanya.
Higit sa lahat, kahit na sinagip nilang tatlo si Hansel, imposibleng malaman kung babawi ito sa kanila. Hindi uto-uto si Fane tulad ni Rudy at Grayson para maniwala agad kahit kanino.
Natahimik si Hansel sandali sa tanong ni Fane. Nagkaroon na kahit paano ng kulay ang kanyang mukha, at hindi na dumudugo ang kanyang mga sugat.
Huminga siya nang malalim bago sabihin, “Ninakaw ko ang Crimson Blood Fruit

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda