Kabanata 280
"Imposible. Matanda na sina Fiona at Andrew. Imposible na hindi makuha ng apat na yun ang pera."
Kumunot ang noo ni Xena nang marinig niya sila. Lumapit siya para tignan ang mga motor.
Sa kanyang nakita, napuno ng pagkainis ang kanyang mukha---dahil wala siyang nakitang bag.
"Walang kwenta! Apat sila tapos di nila nagawang nakawan ang matandang mag-asawa?"
Tumigas ang ekspresyon ni Young Master Howard. Mukhang hindi siya natutuwa.
Kahit na hindi malaking halaga para sa kanya ang tatlong milyon, ayaw niyang pumapalpak sa lahat ng bagay na ginagawa niya.
"Mukhang tatlo ang mga motor, pero may isa pang pasahero na nakaangkas sa kanila!"
Sigaw ng isa sa kanila nang makita nila ito nang mas malapitan.
Umandar ang mga motor. Puno ng pagdududa ang mga tao. Limang lalaki ang bumaba mula sa mga motor.
"Bo-boss…"
Isa sa sa kanila ay may sugat sa kanyang noo; tumutulo ang dugo sa kanyang mukha.
Lumapit siya kay Young Master Howard. "Hi-hindi namin nakuha ang pera," sabi niya

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda