Kabanata 346
Naramdaman ni Yvonne na bumilis ang tibok ng kanyang puso habang pinapanood niya na binubuksan ng apprentice ang bato ni Michael.
Nagdasal siya na sana mas pangit ang gambling rock na napili Michael kaysa sa napili niya. Kung ordinaryong bato lang ang napili ni Michael o kahit na may laman itong kaunting jade, may pag-asa pa ring manalo sa pustahan si Yvonne.
Sa wakas, nabuksan na ang bato at lumabas na mas mataas ang kalidad nito kaysa sa napili ni Yvonne, kahit na maliit lang ang halaga nito na aabot lang sa 20 hanggang 30 libong dolyar.
Agad na humalakhak si Michael. "Please patawarin mo 'ko, Ms. Yvonne. Mukhang panalo ako sa pagkakataong 'to!"
Tumawa si Michael at nagpatuloy siya sa pagsasalita, "Magbayad ka na! 300 thousand!"
"Hmph! Nanalo ka lang kasi swinerte ka!" Suminghal si Yvonne bago siya nagbayad ng pera sa boss.
Subalit, dahil natalo si Yvonne, tumingin siya ng masama sa may-ari ng tindahan at nagreklamo, "Tama si Fane. Walang magandang bato sa tindahan mo!"

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda