Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 578

Pagkatapos niya itong pag-isipan nang mabuti, nagbigay ng suhestiyon si Fane, "Ganto na lang: Makakatanggap kayong dalawa ng isang milyon na ibibigay ko pagkatapos nito. Kunin niyo ang pera para kumalma kayo. Ayos ba yun?" Wala lang sa kanya ang halagang iyon. Basta't hindi na siya sisisihin ni Fiona para sa insidente ngayong araw, magiging ayos lang ang lahat. Para naman kay Xena, balak ni Fane na umarte na para bang nakalimutan na niya ang nangyari noon at tratuhin ang babaeng ito bilang pamilya. Sa ganitong paraan, bababa ang depensa niya at maipapakita niya ang kanyang tunay na kulay. Lalo na at kasalanan niya ang nangyari ngayon. Walang pakialam si Fane tungkol kay Quil pagkatapos niyang patayin si Magnus. Iniisip niya na ang mga hindi importanteng tao kagaya ni Quil ay hindi gagawa ng gulo dahil sa takot pagaktapos mamatay ni Magnus, ang taong kanyang tinitingala. Hindi inaasahan ni Fane na mangyayari ito. Hindi alam nila Quil at ng iba pa na siya ang pumatay kay Magnus

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.