Kabanata 585
Nang makarating sila sa eskinita, tumingin si Fane sa paligid para tignan kung may nakasunod sa kanila bago seryosong nagsalita. "Sa susunod, wag mo nang sasabihin kung gaano ko kamukha ang Supreme Warrior. Gusto ko lang ng normal na buhay at ayaw kong magulo!"
Pagkatapos niyang magsalita, inilahad niya ang kanyang palad at pinakita ang isang itim na token. Mukhang malakas ang token at mayroong totem na dragon rito.
Kaagad na tinago ni Fane ang token pagkatapos itong masilip ni Skyler.
Psst!
Napahigop ng hangin si Skyler pagkatapos niyang makita ang token. Kaagad siyang lumuhod. "Binabati ni King of War Skyler Celestino ang Supreme Warrior at nagpapasalamat ako sa pagligtas mo sa'kin ilang taon na ang nakakaraan. Ako, ang mga estudyante ko, at mga kasamahan ko, ay may intensyong bayaran ang utang na loob namin sa Supreme Warrior, pero hindi kami nabigyan ng pagkakataon sa lahat ng nagdaang taon. Matagal ko nang pinapangarap na makilala ka, at ngayon ay natupad na ang pangarap ko

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda