Kabanata 765
Hindi alam ni Selena kung matatawa ba siya o maiiyak. “Ano pang silbi ng pag-asa? Bakit pa ako aasa kung hindi naman sila pupunta!”
“Gusto mo ba talagang pumunta sila? Kung ganun, dapat imbitahan ko sila!”
Ngumiti si Fane at kampanteng nagsalita, “Naniniwala ako na pangangalagaan nila ang dignidad ko!”
“Hayy naku. Kung magsalita ka akala mo may dignidad ka talaga!”
Inirapan siya ni Selena. Pagkatapos ay napansin niya na nakahawak sa hita niya si Fane. Hinawi niya ang kamay ni Fane habang namumula ang kanyang mukha. “Magmaneho ka ng maayos at huwag mong ilagay kung saan-saan ang kamay mo. Puro ka kalokohan!”
“Heh. Mukhang nahihiya ka!”
Natawa si Fane. “Ilalagay ko ‘to kahit saan kapag matutulog na tayo. Ayos lang ba yun?”
Lalong namula ang mga pisngi ni Selena. “Bakit ba nagpapaabala pa ako sayo, manyak ka! Ngayon pareho tayong walang trabaho, at kinalaban mo pa ang Drake family. Sana lang talaga hindi tayo gantihan ni James, gaya ng sinabi mo!”
“Huwag kang mag-alala. Ma

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda