Kabanata 23
Hindi na alam ni Sabrina kung anong nagustuhan niya kay Nelson. Ang guwapo ba niyang mukha ang nakaakit sa kanya noon? O ang pangako niya na babalikan siya?
“Sabrina, napakaganda mo. Kung nasa showbiz ka, siguradong magiging artista ka.” Naupo si Pamela sa couch ng opisina ni Sabrina ng nakakrus ang mga binti. Sumandal siya at may dating na mapagmataas.
Ang itim niyang damit ay nakadagdag sa hulma ng maganda niyang katawan, at eleganteng dating dahil sa brooch.
Walang sinabi si Sabrina. Habang nakakrus ang mga braso niya, sumandal siya sa dulo ng lamesa at tumitig kay Pamela.
Nagpatuloy si Pamela, “Pero, Sabrina, ang pagkakaroon lang ng ganda ay trahedya. Magiging laruan ka lang ng mga lalake. Kapag nawala na ang pagiging orihinal mo, itatapon ka na lang.”
Tumaas ang kilay ni Sabrina, inipo niya ang buhok niya at itinali bago lumapit ng mabagal kay Pamela.
Hindi sigurado si Pamela sa gagawin ni Sabrina. Ang mga mata niya ay napunta sa payat na leeg ni Sabrina. Hindi napansin ni S

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda