Kabanata 54
"Mr. Cooper, nandito na si Sebastian," nagmamadaling ulat ng isang tauhan.
"Magaling!"
Hinigpitan ni Fin ang kamao niya. Puno ng galit ang mga mata niya.
Makalipas ang dalawang minuto, may lumapit na lalaking naka-kaswal na damit, at ang lalaking iyon ay si Sebastian.
"Mmmph!"
Gustong paalalahanan ni Natalie si Sebastian na mag-ingat, ngunit naka-tape ang bibig niya. Nagawa niya lang na umingit.
"Huwag kang matakot. Siguradong ililigtas kita," sabi ni Sebastian sa kanya nang kampanteng nakangiti.
Ngumisi si Fin, "Sebastian, ang tapang mong pumunta rito nang mag-isa. Mukhang mahalaga sa'yo ang babaeng ito."
"Fin, bilang isang kilalang eksperto, ginagamit mo ang isang babae para pagbantaan ako. Nahihiya ako sa'yo," namumuhing sabi ni Sebastian.
"At paano mo ipapaliwanag ang pagpatay mo sa dalawa kong apo?" Sagot ni Fin.
Ngumisi si Sebastian. "Ang dalawa mong apo ay mas bata lang sa’kin ng ilang taon. Maituturing kaming mula sa iisang henerasyon. Pinapakita lang ng pagkamatay ni

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda