Kabanata 612
Tiningnan ng masama ni Kaitlyn si Sebastian, punong-puno ng pagnanais na pumatay ang kanyang mga mata. "Walang hiya ka! Pinagsamantalahan mo ako at sinira mo ang puri ko. Pagpipira-pirasuhin kita!"
"Ms. Garder, please, let me explain... I swear hindi ko alam ang sinasabi mo!" Nauutal na sabi ni Sebastian habang pawis na pawis.
"Narito sa aking kamay ang ebidensya, at naglakas-loob ka pa ring tanggihan!" Lalong humigpit ang mga kamao ni Kaitlyn.
"Anong ebidensya? Hindi ko talaga maintindihan ang ibig mong sabihin," sagot ni Sebastian.
"Huwag ka nang magmaang-maangan! Naiwan ng salarin ang pendant na ‘to, at inamin mo na sayo ito. Ano pa bang ibig sabihin nun?" Sabi ni Kaitlyn ng may boses na kasing lamig ng yelo.
Mabilis na sinubukang i-backtrack ni Sebastian, "Sa tingin ko nagkamali ako kanina, Ms. Garder. Kamukha ng sa’kin ang pendant na ito, pero hindi ito sa’kin."
"Sa tingin mo ba maniniwala ako sayo?" Lumapit ng isang hakbang si Kaitlyn. Ramdam na ramdam ang pagnanais niyang

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda