Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 252

Habang natulala si Helen sa pagsampal sa kanya ni Viola, galit na nagsalita si Viola, “Huwag mo akong lokohin. Binili ng dad ko ang kwintas na ‘yun para sa’kin—sa nakikita ko, ninakaw mo ito.” At pagkatapos nun, ibinigay niya ito kay Chris. Bakit niya ibibigay ang kwintas kay Helen pagkatapos nun?! Gayunpaman, nanatili ang inosenteng ekspresyon ni Helen. "Imposible ‘yun... Ngayon lang tayo nagkita, Ms. Salazar. Paano ko ‘to nanakawin sayo?" Nagpalitan ng mga tingin sila Tera at Stello sa malapit, kumbinsido sila na may katwiran ang mga sinasabi ni Helen. Kung hindi pa sila nagkita dati, paano ito ninakaw ni Helen? Siguradong hindi niya kayang kunin ‘yun mula sa malayo… Kumurap ang mga mata ni Viola. Kung hindi ninakaw ni Helen ang kuwintas, ang tanging posibilidad na natitira ay ibinigay ito ni Chris kay Helen. Subalit, tumanggi siyang maniwala na niloloko siya ni Chris, kaya naman mas pinili niyang maniwala na ninakaw ito ni Helen! "Anong malay ko kung paano mo ito ninakaw?!"

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.