Kabanata 66
Natural hindi aamin si Sean na kilala niya si Zuco. Kung sabagay, kailangan niyang mag-ingat kay Vicky kaya sinabi niya kay Zuco na kailangan lang nilang paalisin sila Vicky at Frank, dahil siguradong dudurugin ni Vicky si Zuco kapag nagseryoso si Vicky.
Subalit, nakatupi na ang mga braso ni Vicky sa harap ng kanyang dibdib. “Hindi ako aalis.”
Umirap si Zuco at sumenyas siya sa mga tauhan niya. “Dalhin niyo na sila.”
Una silang lumapit kay Vicky, na biglang dumampot ng isang bote mula sa mesa at hinampas niya ito sa ulo ni Zuco!
Nabasag ito sa ulo ni Zuco, at nagkalat ang mga bubog sa sahig habang sumisinghal si Vicky sa galit. “Aalis ako kung kailan ko gusto. Walang karapatan ang isang walang kwentang gaya mo para utusan ako!”
“B-Boss? Ayos ka lang ba?!”
Nagulat ang mga tauhan ni Zuco—hinampas ng babaeng ‘to ng bote ang ulo ni Zuco?! Gusto na siguro niyang mamatay.
“Ikaw… Papatayin kita!” Hinawakan ni Zuco ang dumudugo niyang uilo at tiningnan niya ng masama si Vicky bago niya

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda