Kabanata 708
Ngumiti ang lalaki. “Mukhang nagligtas ako ng isang makulit. Patay ka na sana kung ‘di dahil sa ‘kin.”
Kinakabahan na tumingin si Angeline sa infusion bag. “Sa ganitong paraan mo ba ako binibigyan ng fluids? Hindi ka ba pwedeng gumamit ng tungkod para may sumuporta d’yan?”
“Hinahawakan ko na nga ‘to para sa ‘yo at hindi ka pa rin natutuwa?” Naiinis na tumingin ang lalaki kay Angeline. “Kilala mo ba kung sino ako?”
Ang kaniyang ekspresyon ay tila nagsasabi na dapat matuwa si Angeline na may ginagawa siya para sa babae.
“Wala akong pakialam kung sino ka. Para sa ‘kin, isa kang kriminal. Dapat kang maging responsable sa pagbangga sa ‘kin.”
Napangiti ang lalaki noong sabihin niya, “Ikaw ‘tong humarang-harang sa kotse ko. Sinira mo pa ang headlights ng kotse ko. Kailangan mo akong bayaran.”
Sinabi ni Angeline, “Wala akong pera, pero mayroon akong buhay. Pwede mo ‘yon kuhain kung gusto mo.”
Ngumiti ang lalaki noong mapagtanto niyang marunong lumaban si Angeline. “Oh, ‘wag na pala. Hindi mo k

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda