Kabanata 22
Bumukas ang napakagandang mga bakal na gate ng manor bago dahan dahang umandar palabas ang isang Mayback mula sa loob ng manor na pagmamayari ng mga Moore.
Agad siyang nakita ni Samuel. Tinitigan nito nang husto ang mga mata ni Shirley.
Humigpit nang husto ang dibdib ni Shirley na para bang may isang hindi makitang kamay na dumidiin dito. Walang pagaalinlangan niyang idiniin ang kaniyang paa sa silinyador na direktang nagpaabante at nagpaswerve sa kaniyang sasakyan para harangan ang Maybach sa daraanan nito.
Agad na inapakan ng driver ang brake. Pero natigil siya sa pagmumura nang makilala niya si Shirley mula sa windshield ng sasakyan. Agad na nawala ang kaniyang frustration na napalitan ng hindi mapakaling katahimikan.
Tumama at nasaktan ang ulo ni Sophia nang dahil sa biglaang paghinto ng sasakyan na siyang nagresulta sa pagiyak nito.
Nagaalalang nagdilim ang mukha ni Samuel habang chinecheck nito ang nangyari kay Sophia. At nang masiguro niya na walang seryosong nangyari rito,

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.