Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 45

Naiinis pa rin si Benjamin kay Shirley. Bakit ito natagalan sa pagkuha ng pagkain para sa kaniya? Mayroon ba itong hinanakit sa kaniya kaya siya nito pinaghintay sa gutom? Naligaw ba siya sa manor? Kung ganoon, dapat lang na buksan niya ang ulo nito para tingnan ang utak ni Shirley para malaman kung bakit ito naging ganoon kamangmang. “Walang tao sa kusina. Hindi ko rin alam kung ano ang gusto mong kainin kaya gumawa ako ng pasta na may itlog at karne para sa iyo.” Buong pasensyang ipinaliwanag ni Shirley. Ito lang ang natitirang mga sangkap na kaniyang nakita sa refrigerator. Walang tao sa kusina? Paano ito naging posible? Hindi naging consistent ang pagkain nina Benjamin at Damian kaya palaging may nakahandang pagkain sa main kitchen para sa kanila. Nagpapalitan din ng shift ang kanilang mga cook para masiguro na mayroong pagkain 24/7 para matugunan ang pangangailangan ng dalawa. Siyempre, dahil sa laki ng manor na tinitirhan ng pamlya Blackwood, natural lang na magkaroon ito

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.