Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 89

Sinundan ni Shirley si Benjamin papunta sa basement. Nakita niya si Donald sa loob ng isang walang lamang kwarto rito, kalmado itong nakatayo sa tabi ng dalawang lalaki na nasa sahig. Walang pakialam na umabante si Benjamin para sumanda sa bakal na pinto ng kwarto habang nakakrus sa ang mga braso sa kaniyang dibdib, nakatitig ang mga mata nito kay Shirley. “Gusto mong malaman kung sino ang naglagay ng gamot sa iniinom mo? Sila.” Napasimangot si Shirley habang naglalakad siya palapit sa dalawang lalaki. Inabot siya ng isang sandali para makilala na isa sa mga ito si Evan. “Ikaw?” Hindi makapaniwalang tanong ni Shirley. Hindi niya masyadong kilala ang lalaking ito. Nagkrus lang ang landas nila sa isang event kaya hindi niya ito nakilala nang magkasalubong sila nito kagabi. Nang makita siya ni Evan, agad na nanginig ang buo nitong katawan habang nakaluhod itong lumalapit kay Shirley. “Pakiusap, Ms. Weiss! Maawa po kayo sa akin! Nabulag po ako nang dahil sa pagkauhaw ko sa laman! Hin

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.