Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 259

Tumingin sa madla si Wilbur habang nagsasalita siya, “Ang pakikipaglaban sa isa’t isa ay magreresulta lang ng pinsala at kamatayan. Sapat na ang hirap ng Cultivation, at mas mabuti na ang ganito.” Marami nang nakita si Wilbur na namatay dahil siya ang leader ng Abyss Mercenaries at marami na rin siyang napatay. Ito ang rason kung bakit ayaw niya na ng mga pagaaway at patayan noong bumalik siya sa Seechertown. Gusto niyang sabihin ang mga salitang yun kay Jeremy sa simula pa lang, ngunit huli na ang lahat para maligtas si Jeremy. Tumingin si Wilbur sa mga patay na katawan sa madla at nagbuntong hininga siya. Ang ilan sa kanila ay mula sa Owens clan, at ginawa ito ni Jeremy ng hindi man lang sila iniisip. Walang duda na ang Skull Cult ang responsable dito. Dapat ay may kumilos na siya laban sa Skull Cult sa madaling panahon. Habang iniisip ito, sinabi ni Wilbur kela Matt at Gerard, “Alagaan niyo ang lahat ng nandito. Aalis na ako. May mga bagay pa ako na kailangan kong asikasuhin.”

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.