Kabanata 595
Nabigla si Wilbur. Tinanong niya, “Sino po si Braxton Yaegar?”
“Ang taong namumuno sa Eagle City. Isa siya sa mga tauhan ng tatay ko noon,” Ang sabi ni Gordon habang nakangiti.
May napagtanto si Wilbur, ngunit ngumiti siya at sinabi niya, “Mr. Grayson, ang Eagle City ay isa pong lungsod na pinamumunuan ng bansa. Ang taong namumuno doon ay ang Vice Governor, hindi po ba? Mukhang hindi po tama na ako ang magbigay ng ganitong klaseng message, hindi po ba?”
Nagsalita ng malakas si Benjamin, “Bakit naman ito hindi tama? Si Cedric Wayne, ang taong namumuno sa Yowl Province, ay isang sundalo lang ng tatay ko noon. Si Braxton Yaegar ay isang horse-boy ko noon. May lakas ng loob ba siya para makipagtalo sa akin?”
“Mahusay po talaga kayo, napakahusay. Tatandaan ko po ito. Sisiguraduhin ko po na ipapasa ko sa kanya ang message kapag nakipagkita po ako sa kanya.” Ang sabi ni Wilbur. Si Benjamin ay isang founding father talaga ng bansa, may mga kontrolado siyang tao na mga high-ranking officer.

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.