Kabanata 762
Tinaas ni Wilbur ang kamay niya sa harap para kamayan si Emperor Tyler.
Hinawakan ni Emperor Tyler ang kamay ni Wilbur, hinila niya ito sa loob.
Kumunot ang noo ni Wilbur, pero hindi siya nanlaban.
Dumating silang dalawa sa sala, kung saan inimbita ni Emperor Tyler si Wilbur para umupo bago siya nagsimulang gumawa ng tsaa sa tsarera sa mesa.
Nakatayo sa tabi si Zenith habang nakayuko na para bang malapit na siyang makatulog.
Tila mahusay si Emperor Tyler sa paggawa ng tsaa, kumilos siya ng elegante at mahusay na para bang sinanay siyang propesyonal.
Hindi nagtagal, nilagay niya ang isang tasa ng mabangong tsaa sa harap ni Wilbur.
“Subukan mo, Mr. Penn. Masarap ang pagkakagawa ko dito.” Si Emperor Tyler ay nasa edad na thirties pero nagsasalita siya na para bang isa siyang batang hinihintay na mapuri.
Uminom si Wilbur at tumango siya. “Masarap nga ito.”
Ang katotohanan ay walang alam si Wilbur sa mga tsaa at hindi niya alam ang pagkakaiba sa masarap at hindi masarap na tasa ng

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.