Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 825

Ngumisi si Wilbur. “Dalhin mo ako sa tribo niyo. Gusto ko mismong tumingin dito.” “Masusunod po, Mighty Lord. Sumunod po kayo sa akin.” Mabilis na tumayo si Omar, kumaway siya. Ang mga lalaki ay sumakay sa natitirang mga sasakyan, bago sila tumingin ng may respeto kay Wilbur. Kumaway si Wilbur, at lumapit ang flame serpent. Humiyaw ulit ng may pananampalataya si Omar at ang Paro tribe, bago sila pumunta papasok ng gubat. Sumakay si Wilbur sa flame serpent, sumunod ito sa kanila mula sa itaas. Hindi nagtagal, huminto ang mga kotse sa isang canyon sa loob ng kagubatan at bumaba rin si Wilbur. Ang kanyon ay napapalibutan ng kagubatan at kabundukan, ang entrance nito ay higit sa sampung metro ang lawak para sa proteksyon. May mga nakakalat na goods sa sahig ng canyon, malamang ay ninakaw ito na hindi ba nila nabebenta. Tumingin sa paligid si Wilbur, bago siya bumalik kay Omar. “Sa ngalan ng Lord of Fire Dragons, inuutusan ko kayong lahat na magbantay dito hanggang sa bumalik ako.

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.