Kabanata 99
Pinilit ngumiti ni Wilbur. “Ano ang iniisip mo?”
“Sige, hindi mo na kailangang sabihin sa akin. Ikaw naman ang boss. Wala akong karapatan para malaman ang kahit ano.” Yumuko si Faye at bumalik siya sa pagkain.
Inayos ni Wilbur ang upo niya. Sa huli, sinabi niya, “Dati ko siyang kaklase. May naging kasintahan siya at sa huli ay natuklasan ko na isa pa lang scammer yung lalaki. Nag-aalala ako na baka madamay ang Cape, kaya pinatanggal ko siya sa trabaho.”
Tumango si Faye ng nakangiti. “Ganun ba. Masasabi ko lang na maganda talaga si Cindy. Balak mo bang sisantihin siya ng ganun-ganun na lang?”
“Ano pa ba ang dapat kong gawin?” Nagkunwari si Wilbur na nakasimangot, at bigla siyang naging seryoso.
Tumawa si Faye, pagkatapos ay kumain siya.
Hindi nagtagal ay natapos nang kumain ang dalawa. Iniwan ni Wilbur ang plato niya sa mesa at dumiretso siya sa kwarto niya.
Bumuntong hininga si Faye, pagkatapos ay tahimik niyang niligpit ang mga kalat sa mesa, dinala niya ang mga plato sa kusina

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.