Kabanata 1003
"Hindi!"
Sa sobrang takot ni Lana ay nagsimula na siyang magbunganga. Sa mga sumunod na sandali, nakita niya na hinagis ni Jeremy ang posporo sa mga nakatambak na kahon sa gilid.
Para bang binuhusan din ng gasolina ang mga kahon. Biglang lumaki at nagsimulang kumalat sa buong lugar ang maliit na apoy sa posporo.
Subalit, bago pa man makalapit ang apoy sa kanila, nanigas na sa takot sila Lana at Naomi. Pinagpawisan sila ng malamig sa sobrang takot.
Malamig na tumingin si Jeremy kay Lana. Sa sandaling ito, namuti ang mukha ni Lana sa sobrang takot.
"Lana, hindi kita hahayaang mamatay ng ganito kadali."
Mas matindi ang apoy na naglalagablab sa likod ng matatalim na mata ni Jeremy.
"Ginamit mo ako para patayin ang mga in-law ko at dahil dun hindi ko na makakasama si Linnie. Kaya, gusto kong dahan-dahan kang maglakad patungo sa kamatayan mo habang takot na takot ka. Gusto kong maranasan mo kung ano ang pakiramdam ng mapagbintangan at pahirapan."
“...”
Pagkatapos niyang sabihin iyo

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.