Kabanata 1084
Biglang napatayo si Madeline. "Nagpunta dito si Jeremy? Anong oras? Bakit siya pumunta dito?"
"Dumating siya noong pag-alis mo kanina." Mukhang nababahala si Karen. "Sandali lang siya dito. Hindi siya nagpapigil kahit na anong paghabol at pagtawag sa kanya ni Jack."
Noong marinig iyon ni Madeline, nakaramdam siya ng matinding sakit.
Ito ay dahil sa kawalan ng puso ni Jeremy at kawalan niya ng pakialam sa kanila.
"Nabrainwash na talaga ni Lana si Jeremy. Bukod sa sinaktan ka niya, binalewala pa niya ang sarili niyang mga anak. Tingnan mo, nadapa si Jack at nasugatan ang tuhod niya. Bilang isang tatay, hindi man lang siya naawa sa bata."
Lalong nasasaktan si Madeline sa kanyang naririnig. Lumapit siya kay Jackson at inagat ang laylayan ng pantalon niya. Noong makita niya ang bandage sa tuhod ng bata, kinuyom niya ang kanyang mga kamao at naglakad siya papunta sa isang tabi upang tawagan si Jeremy.
Hindi niya inasahan na sasagutin agad ni Jeremy ang tawag niya. Pagkatapos, nar

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.