Kabanata 1201
Nang makita niya ang pagkatuso sa mga mata ni Ryan, napagtanto ni Lana na seryoso si ryan sa mga sinasabi niya.
Nag-aalala siya at hindi mapalagay habang nakatingin siya sa lalake na mukhang napakamaginoo pero may nakakatakot at napakadilim na awra.
“Ryan, b-bakit mo ako papatayin? Wala naman akong ginawa sayo. Ikaw—”
“Ang kagaya mong tanga ay walang karapatang mabuhay sa mundo,” Malamig na sabi ni Ryan.
“...”
“Lana, naaalala mo pa ba ang tinanong ko sayo kahapon? Tinanong kita kung alam mo ba kung bakit ka nakabalik ng buhay sa Glendale. Sasabihin ko na sayo ngayon. Dahil yun sa akin.”
“A-ano?” Sa gulat, napatitig si Lana sa lalakeng dahan dahan magsalita. “Ikaw? Paano nangyari yun? Ikaw at si Jeremy ay nagtulungan para mahuli ako para lang pakawalan ako? Heh! Sa tingin mo ba ay maniniwala ako sa mga sinasabi mo?!”
Puno ng pagdududa si Lana. Hindi siya naniniwala na mangyayari ang bagay na yun. Nang maalala niya na parte ng Interpol si Ryan, nawala bigla ang kanyang takot.

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.