Kabanata 121
Nanlaki ang mga mata ni Madeline, nangangatog ang kanyang mga kamay nang tignan niya kung humihinga at may pulso pa ba si Brittany, ngunit wala siyang maramdaman. Wala nang init ang katawan ni Brittany at medyo tumigas na din.
Nagblanko ang utak ni Madeline nang magsimula siyang bumigay. Wala siyang kaalam-alam kung anong nangyari pagkatapos niyang mawalan ng malay, kaya imposibleng malaman niya kung anong ginagawa ng kutsilyo sa kamay niya.
Nang tatayo na siya, narinig niya ang sirena ng pulis mula sa malayo. Nang tignan ang pulis na bumaba sa kotse, kinilabutan siya.
Hindi niya inasahan na mapupunta na naman siya sa isang detention center. Isa itong pamilyar na eksena, na may di maitatangging ebidensya sa harapan niya para kontrahin ang kahit anong sasabihin niya.
Kay Madeline lamang ang mga marka mg daliri sa kutsilyo at nagawa nilang mahanap ang bakas ng balat ni Brittany sa likod ng kanyang kamay, na nagpatunay na nagpumiglas muna sa kanya si Brittany bago ito mamatay.
H

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.