Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 1243

Napansin ni Jeremy na mayroong mali. Nang narinig niya ang malamig na mga salita ng lalaki ay lumingon siya. Malakas ang ulan at napakahina ng ilaw mula sa poste pero nakikita pa rin niya ang tubig sa lapag na nahahaluan ng dugo. Tinaas niya ang kanyang mga mata mula sa dugo at nakita niya ang isang maputlang lalaki na nakahiga sa may damuhan. Nang papalapit na sana siya para tignan kung anong nangyayari, mabilis na umandar papalayo ang kotse sa kanyang likuran. Pagkatapos niyang lumingon sa paligid, napansin niya na siya na lang ang naroon. Lumapit si Jeremy sa lalaking nakahiga sa lapag nang walang pag-aalinlangan. Tinignan niya ito nang malapitan at nalaman niya na ang lalaking ito ay ang pulis na umaresto sa kanya noon. Nakasuot siya ng sibilyang damit at maputla ang kanyang mukha. Maliban roon, may ilang hiwa siya sa kanyang katawan at nagdurugo pa rin siya. Kinapa ni Jeremy ang kanyang ugat sa leeg gamit ng kanyang mga daliri at nalaman niya na tumitibok pa rin ito

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.