Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 1246

Naglakad si Ryan papunta sa living room. Pagkatapos, nakarinig siya ng isang malakas na kalabog na para bang mayroong nabasag. Kumunot ang noo sa pagtataka at mabilis siyang pumasok. Ngunit, nagulat siya sa nakita niya sa kanyang harapan. "Eveline!" Mabilis siyang tumakbo papunta sa lasing na si Madeline na nakaluhod sa lapag at tinulungan siyang tumayo. Tinulak siya ni Madeline palayo. "Iwan mo ko!" Kinuha niya ang bote ng red wine at direkta itong tinungga. Suot pa rin niya ang damit niya kanina at basa ang kanyang katawan. Ang kanyang buhok at mga mata ay basa rin. "Bakit niya sinabi sa'kin yun? Bakit?" Umiyak si Madeline at nagreklamo, "Kaya kong tiisin ang lahat basta't maging maayos lang siya. Bakit niya biglang sinabi na napapagod na siya ngayon?" Mapait na tinawanan ni Madeline ang kanyang sarili. "Ilang taon na ba? Ilang taon ko na bang minahal ang lalaking to?" tanong niya sa kanyang sarili habang tinaas niya ang kanyang mapupulang mga mata para tignan si Ryan

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.