Kabanata 1267
Pagkaalis ni Ryan, naiwang nag-iisa sa silid si Madeline.
Muling dumating ang mga maid at may dala silang first aid kit at masasarap na pagkain.
Pinagmasdan ni Madeline ang nagdudugo niyang daliri. Alam niya na bihira ang blood group na meron siya at ayaw niyang magpatuloy ang pagdurugo ng daliri niya.
“Hayaan mong tulungan kita, Madam.” Napakabait ng maid at magalang itong lumapit sa kanya, nais niyang tulungan si Madeline.
Naisip ni Madeline na masyado siyang nagpadalos-dalos kanina nang maalala niya ang nangyari. Dapat maging mahinahon siya dahil yun lang ang paraan para makatakas siya kay Ryan.
“Sige.” Tumango si Madeline. “Pasensya na sa abala.”
Masayang tinulungan ng maid si Madeline na gamutin ang kanyang sugat nang mapansin niya na hindi nagpupumiglas si Madeline di gaya kanina.
Magalang siyang umupo sa tabi ni Madeline at nilabas niya ang alcohol at bulak upang linisin ang sugat ni Madeline.
Pinagmasdan ni Madeline ang maid, na seryosong naglilinis sa kanyang sugat, at

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.