Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 1331

Nagtataka si Old Master Whitman kung bakit biglang tinanong ni Karen ang tungkol dito. Nagsalubong ang kanyang mga kilay. “Saan mo narinig ang tungkol dito?” Sa inis, sinabi ni Karen kay Old Master Whitman na kakabalik lang niya mula sa Jones Manor, “Ang Jones family ay hindi makatwiran. Tignan niyo ang nangyari kay Eveline. ang lakas ng loob nilang sabihin na nararapat lang sa atin ang nangyari?!” “Dapat lang sa atin ang nangyari? Sinabi ba talaga yan ng Jones family?” Dumilim ang mukha ni Old Master Whitman. Halatang hindi siya nasisiyahan. Tumango si Karen. “Paano ko magagawang biro ang bagay na to? Maraming tao ang nasa labas ng kanilang bahay at narinig nila ang lahat ng yun.” Kumunot ang noo ni Old Master Whitman ng marinig niya ito. Magsasalita na sana siya ng biglang narinig nila ang boses ni Jeremy. “Kung ganun, hindi magtatagal at kakalat sa buong media online ang istoryang to.” “Jeremy.” Kaagad na tumayo si Karen at lumapit kay Jeremy, puno ng kalituha

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.