Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 1391

Lumapit si Madeline sa hagdan na biglang bumagsak. Nasa phone si Sean nang marinig niya ang sigaw ni Madeline. Nagbago ang mukha niya bago sumugod papasok. Nataranta si Madeline at tumakbo sa lugar kung saan bumagsak si Jeremy. Ang nakita niya ay isang lalaking nakahiga nang d gumagalaw sa sahig, pakiramdam niya may tumaga sa puso niya. “Jeremy!” Habang maputla ang mukha, tumakbo si Madeline sa tabi ni Jeremy at lumuhod sa tabi niya. Hinawakan niya ang kamay nito at niyakap. “Jeremy, gising, Jeremy! Wag mo akong takutin!” Mukhang naguguluhan ang mata ni Madeline nang manginig ang kamay niya. Pinawi niya ang alikabok sa mukha ni Jeremy. Habang nanginginig ang daliri niya, hinaplos niya ang magandang kilay nito. Tapos tahimik na tumulo ang luha sa mga mata niya. “Jeremy, wag mo akong takutin. Pakiusap wag mo akong takutin. Di ko talaga kakayanin na mawala ka. “Jeremy, pagod na pagod na talaga ako. Sa buong buhay ko gusto kong alagaan mo ako. Wag mo akong pabayaang harapin

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.