Kabanata 1410
”Ang lakas ng loob ng ampon mo na sabihing hindi karapat-dapat ang anak ko para sa kanya noong sinubukan siyang ligawan ng anak ko noon, Mrs. Montgomery, huh? Pinaglaruan niya ang anak ko at tingnan mo kung nasaan ang ampon mo ngayon? Patay na siya!"
Naghalukipkip ang babae at napangiti siya dahil sa kamalasan nila Eloise.
"Mrs. Montgomery, tinanggap mo bilang anak ang isang napakasamang babae at dahil dun naghirap ng husto ang tunay mong anak. Hindi ba matatawag na karma yun?"
"Tama! Ang dinig ko, dahil sa kamalasan ng tunay niyang anak kaya muntik na niyang masira ang Whitman family. Noong makilala siya ng Montgomery family, nasunog ang bahay nila. Naiwang paralisado ang nanay niya at naging inutil. Nakamalas talaga! Haha…"
"Tama ka! Haha…"
Nagsimulang ngumisi ng masama ang dalawang babae.
Nang makita niya ang dalawa, kumuha si Karen ng mansanas mula sa lalagyan ng mga prutas at binato ito ng malakas sa kanila.
Biglang napahinto sa pagtawa ang dalawang babae at umiwas sa

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.