Kabanata 1616
“Oo, yung gwapong mama. Dinala ko kayo dito para makita niyo yung gwapong mama na yun nagayon.”
“Bakit natin siya dadalawin?” Bakas pa din ang kainosentehan sa mukha ng batang lalake.
Ngumiti si Cathy at hindi alam kung ano ang kanyang sasabihin.
Tama, bakit nga ba sila pumunta dito para bisitahin siya?
Para ba hindi ito mamatay ng may pinagsisisihan?
Nang maisip niya ito, pakiramdam ni Cathy ay sinaksak ang kanyang puso ng mga karayom. Sa muli, sumakit ang kanyang puso.
Nang marinig ni Felipe na may bumisita sa kanya, akala niya ay si Jeremy ito. Gusto niya sanang pakiusapan si Jeremy na dalhin ang isang mensahe para sa old master, pero nung pumunta siya sa conjugal room, hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita.
“Cathy?”
Ang kanyang mga mata ay napuno ng pagkamangha. Hindi nito maitago ang supresa na umaapaw sa kanyang mga mata.
Walang pakeng tinitigan ni Cathy ang lalakeng puno ng saya ang mukha. Mukha itong madungis para sa kanya, at ang mga magandang itim na mata ni

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.