Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 1679

Nang marinig ng tao sa kabilang linya ang mga salita ni Madeline, pabalang siyang sumagot, "Sino si Fabian? Walang Fabian dito! Wag mo na kong tawagan!" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay binaba niya ang phone. Narinig na lang ni Madeline ang tunog disconnect tone. Nabigla siya. Nang tatawag sana siya ulit, napansin niya na hindi na kumokonekta ang tawag niya. Ang tanging posibilidad ay na-block ang numero niya. Tinaas ni Madeline ang kanyang mga mata para tignan ang nanny van na umandar papalayo. Nang maisip niya ang kinilos ni Lilian kanina, bahagya siyang kinabahan. Naiisip niya na baka may espesyal na posisyon si Fabian sa puso ng kanyang pinakamamahal na anak. Noong niligtas ni Fabian and munting prinsesa mula kay Felipe, nagkaroon sila ng isang uri ng ugnayan sa hindi malamang paraan. Tinignan ni Madeline ang phone number na nang-block sa kanya at mayroong mga tanong sa puso niya na hindi masagot. Biglang umalis si Fabian. Hindi niya maintindihan kung ano ba ang dahi

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.