Kabanata 167
"Ms. Crawford, pwedeng-pwede kang tumahimik kung di mo alam magsalita ng maayos. Wala namang mag-iisip na pipe ka kapag hindi ka nagsalita. Wala naman kaming ginawang kakaiba ni Mr. Whitman. Kahit na wala kang tiwala sakin, siguro naman may tiwala ka sa fiance mo, di ba?"
"Ikaw…"
"Kung tama ang pagkakatanda ko, ikaw mismo Ms. Crawford ay isang kabit noon. Hindi ka ba natatawa sa mga pinagsasabi mo?"
Hindi makapagsalita si Meredith at unti-unting sumama ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nakita niya na nagbago ang tingin sa kanila ng mga tao, kaya pinagmukha niyang nakakaawa ang sarili niya.
"Ms. Quinn, hindi ko alam kung saan mo narinig yung mga tsismis na yan, pero sinasabi ko sayo, matagal na kaming may relasyon ni Jeremy. Yung kapatid kong si Madeline ang nagkagusto at nang-agaw kay Jeremy. Ngayon, patay na si Madeline, kaya hindi ko gusto na maungkat pa ang tungkol dito, pero hindi ako papayag na insultuhin mo ako ng ganun!"
"Ayaw mong insultuhin ka ng iba, pero ayos lang say

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.