Kabanata 1697
Ramdam ang lamig sa walang emosyong boses ni Shirley.
Tinignan ni Adam si Shirley, at hinigpitan niya ang hawak sa kamay ni Cathy, at nagpatuloy siya sa paglalakad papunta sa pinto.
Ilang hakbang pa lang ang nagagawa nila at muli nilang narinig ang boses ni Shirley mula sa kanilang likuran.
“Adam, dinala ko siya dito nang sa gayon ay makontento na kayo sa kung anong meron kayo. Huwag niyo nang isipin na makakatapak kayo palabas ng pintuang yan.”
Nang marinig niya ang mga salitang yun, kaagad itong naunawaan ni Cathy.
Isa lamang siyang pain para mapapunta dito si Adam, na pupunta at hahanapin siya dito, na magdadala sa kanya sa patibong na ito.
Tinikom ni Adam ang kanyang mga kamao habang lumingon siya sa kanyang likuran. Nang makita niya si Shirley na naninigarilyo na parang walang pakialam, napasimangot siya. “Shirley, nabasa mo naman na siguro ang notebook ni ama. Bakit mo pa rin ginagawa ang bagay na ito?”
Naglakad si Shirley papunta kay Adam, walang buhay ang muk

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.