Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 1772

“Mag-isa akong pupunta. Manatili ka dito sa Glendale.” “Gusto mong pumunta ng mag-isa sa F Country?” Nagulat si Jeremy. “Bakit?” Tumingin si Madeline sa direksyon na kung saan nagtungo si Carter. “Talaga bang naniniwala ka na pumunta lang siya dito para bigyan tayo ng imbitasyon at ipaalam sa atin ang tungkol kay Lily?” “Syempre, hindi ako naniniwala, pero hindi natin pwedeng palampasin ang kahit na anong impormasyon na makuha natin.” “Kaya mas mainam na maiwan ka dito.” Bakas ang katiyakan sa mga mata ni Madeline. “Mukhang gusto niya tayong umalis. Baka may plano siyang gawin dito sa Glendale.” “Kahit na ganun, hindi pa rin ito kasing importante ni Lily.” “Alam ko. Alam ko na nag-aalala ka rin para kay ily, pero kailangan mong makinig sa akin sa pagkakataon na ito, Jeremy.” Pagpupumilit ni Madeline. “Pupunta ako ng F Country at hahanapin si Lily. Kung talaga ngang kasama ni Fabian si Lily, susubukan kong kumbinsihin si Fabian.” “Sa tingin mo ba ay rasyonal pa si Fabian?”

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.