Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 1784

Patuloy na tumango ang katulong at kaagad na tumalikod at nagpunta sa kwarto ni Lillian. Sandaling nanatili si Fabian sa kanyang kinatatayuan bago bumaba ng hagdan na para bang kakaisip niya lang ng mga salitang gagamitin bilang sagot. Bumaba rin si Evan na nakasunod sa likuran ni Fabian. Nakatayo si Madeline sa sala at nang makita niya si Fabian na hindi nagmamadaling bumababa sa hagdan, lumapit siya sa kanya. "Nandito si Lillian, di ba?" Nang marinig niya iyon, kumunot ang noo ni Fabian at binalak na ipahayag ang sama ng loob niya. "Hindi mo siguro alam, Mrs. Whitman, pero pamamahay ko to. Mga kaibigan ko lang ang pinapapasok ko rito; hindi pwedeng pumasok ang ibang tao rito." Naiintindihan ni Madeline ang pinapahiwatig ni Fabian sa kanyang pahayag. Tinignan niya si Evan na nasa likuran ni Fabian at kaagad niyang naalala na siya ang lalaking muntik na aniyang mabunggo sa coffee shop kanina. Nang mapansin ni Evan ang tingin ni Madeline sa kanya, ngumiti siya at lumap

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.