Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 1833

Nang mapagtantong dumating nang handa si Carter, medyo kinabahan si Shirley. Mas alam niya kumpara kahit kanino ang lakas ng hipnotismo ni Carter. Minsan hindi niya pa kailangan ng gamit at kaya niyang manipulahin ang emosyon ng tao sa isang tingin lang at nawawala sa sarili ang taong ito sa teritoryo niya. Nagkaroon ng bakas ng pag-aalinlangan sa mga mata ni Shirley. Ngumiti ito nang ilapit niya ang kanyang madilim na mata kay Shirley at tinitigan ito. “Shirley, kung talagang hindi ka nagsisinungaling, tumingin ka nang maigi sa mga mata ko ngayon na.” Biglang naging kasing-amo ng simoy ng hangin sa tagsibol ang boses ni Carter. Isa itong masarap na pakiramdam na makakapagpalabas sa emosyon ng isang tao at unti-unting hahayaan ang imahinasyon nila na mapunta sa isang komportableng kalagayan. Si Shirley na nakramdam na sinusubukan siyang gamitan ng hipnotismo ni Carter ay kusang lumingon para iwasan ang tingin ni Carter, ngunit hinawakan nito nang mahigpit ang baba niya.

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.