Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 1839

Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Carter noong narinig niya ang mga sinabi ni Adam, ngunit agad din itong naglaho. Ngumiti si Carter at nang-iinsulto siyang sumagot, "Mukhang hindi ka lang umuupo sa clinic mo at nag-eeksperimento, Dr. Brown; pinag-aaralan mo rin ang buhay ng ibang tao." "Hindi ako interesado sa mga ginagawa mo sa buhay mo. Nagkataon lang na may nakita akong mga bagay na hindi kanais-nais at inusisa ko ang mga ito." Ngumiti si Carter, ngunit sa pagkakataong ito, hindi umabot sa mga mata niya ang ngiting ito. Paglipas ng sampung minuto, huminto ang kotse sa Gray Manor. Bumaba sa kotse si Adam at tumakbo siya sa pasilyo kasama si Cathy. Habang kinakabahan si Adam, hindi naman mapakali si Cathy at nakokonsensya rin siya. Siguro ay hindi dapat siya pumayag na magpaiwan si Shirley noong isang araw. Kapag may nangyari kay Shirley, isa siya sa mga dapat sisihin. Subalit, noong pumasok sa mansyon sila Cathy at Adam, nagulat sila nang makita nila si Shirley na nakaupo

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.