Kabanata 1919
Kinuha ni Jeremy ang tablet mula kay Ken at nakita ang isang video sa screen.
Kahit na ang tao sa video ay nakasuot ng shades, nakikilala pa rin ang mukha ni Carter.
"Nakabalik na nga talaga siya sa Glendale."
Kumpirmadong sabi ni Jeremy. Naniniwala siya na pinakalat ni Carter ang balita na bumalik siya sa St. Piaf at palihim na bumalik, at ang pakay niya rito ay ang kumilos laban kay Madeline.
Sa kanyang inis, ibinato ni Jeremy ang tablet at kumunot ang noo, pagkatapos ay tumayo siya at naglakad papunta sa bintana.
Tinignan niya ang sulok-sulok ng mataong siyudad sa ilalim ng araw. Ngunit ang kanyang puso ay madilim.
Pumalpak siya. Nagkamali siya ng nagawa.
Mula sa umpisa, ang pakay ni Carter ay si Madeline, hindi ang mga anak nila.
Naniniwala pa rin si Carter na sinukuan ni Shirley ang kanyang anak at pagkatapos ay sinubukang patayin ang kanyang sarili dahil tinurukan ni Jeremy si Shirley ng AXP69.
Iyon ang dahilan kung bakit gustong maghiganti ni Carter kay Jeremy.

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.