Kabanata 1952
Tinignan ni Madeline ang tanawin sa gabi sa may bintana ng kotse, saka niya nilingon si Carter, na masama ang ekspresyon ng mukha.
“Carter, ang lalakeng nagngangalang Jim na yun ay kanina ka pa pinupuntirya sa may hapagkainan kanina. May alitan ba kayong dalawa?”
Kahit na masama ang loob ni Carter sa mga sandaling iyon, pinigilan niya ang kanyang galit at tumugon ng may malumanay na boses, “Pinsan ko siya, at balak din niyang kunin ang karapatan para sa royal inheritance.”
“Kaya naman pala palagi ka niyang pinag-iinitan, lalo na ang nanay niya.”
“Ang babaeng yun.” pagalit na suminghal si Carter, at pagkatapos ay ang kanyang tingin ay kuminam at tumitig sa mukha ni Madeline.
Nagdududa na napakurap si Madeline. “Carter, anong problema?”
“Eveline, kailangan mong makinig sa akin. Bukas, kailangan mong gawin ang lahat ng sasabihin ko sayo.”
Pagpupumilit ni Carter; seryoso ang kanyang ekspresyon.
Masunuring tumango si Madeline. “Syempre. Gagawin ko ang anumang sabihin mo.”

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.