Kabanata 2008
“Sino siya?”
Tinignan ni Madeline si Hannah at pinakilala ito, “Kakasimula lang niyang mag-aral sa ilalim ko…”
“Kamusta po kayo, Mr. Sutton. Ang pangalan ko ay Hannah Bolton, at ako ay may kaugnayan kay Mr. Whitman.”
“...” Natigilan si Mr. Sutton.
Alam ni Madeline na sinadya itong sabihin ni Hannah, at alam din niya na ang kliyente ay nagkamali ng pag-unawa dito.
Bahagya siyang ngumiti at kaswal na tinama ang sinabi ni Hannah, “Siya nga pala si Miss Bolton, at kakasimula pa lang niya na mag-aral kung paano gumawa ng pabango sa ilalim ko. Kasalukuyan siyang nakatira sa Whitman Manor bilang parte ng kinakailangan niya sa trabaho, kaya maituturing siya na bisita ng mga Whitman.”
Nang marinig niya ito, mukhang naguluhan ang kliyente. “Ah, ganun.”
“Oo.” Ngumiti si Madeline at tumango bilang pagsang-ayon.
Tinitigan ng masama ni Hannah si Madeline dahil hindi ito natuwa. Nung gusto niyang pagdiinan ang relasyon niya kay Jeremy, biglang siyang tinitigan ng masama ni Madeline.

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.