Kabanata 2122
Isa itong magandang wakas.
Ngumiti si Jeremy at yumuko para yakapin ang kanyang anak. "Jack, wag kang mag-alala. Matalino ang mommy mo, paano niya hahayaan ang masamang babae na yun na saktan siya?"
"Talaga?" Medyo nag-aalangan pa rin si Jackson. "Mommy, hindi ka ba talaga sinaktan ng masamang babae na yun?"
Nang makita niya na sobrang nag-aalala sa kanya ang anak niya, tumango nang maigi si Madeline.
"Oo, ayos lang ako."
"Buti naman. Mabuti naman at ayos ka lang, Mommy." Nakahinga nang maluwag si Jackson.
"Syempre walang mangyayaring masama sa kanya dahil matagal na niyang inaasahan na mangyayari ito." Kinarga ni Jeremy ang kanyang anak habang nagpapaliwanag at naglalakad papunta sa kotse na nakaparada sa may pintuan.
Nagtatakang kumurap si Jackson. "Anong ibig sabihin nito?"
"Ibig sabihin nito ay matagal nang alam ng mommy mo na hahanapin siya ng masamang babae na yun kaya matagal na siyang nakapaghanda, at palagi akong nasa likod ni Mommy. Kaya kapag masasaktan si Mo

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.