Kabanata 2130
”Napakarami namang baliw sa mundong ito. Paano niya nagawang magpunta sa bahay natin para magpakamatay? Balak niya bang pagmukhaing masama si Eveline at Jeremy?”
Bumuntong-hininga si Eloise pagkatapos niyang marinig ito mula sa tabi. “Hay, napakamalas naman ng Eveline ko. Hindi pa rin nawawalan ng problema kahit ang tagal na.”
Nang marinig ni Madeline ang mga salita ni Eloise na puno ng pag-aalala, ngumiti siya at lumapit.
“Mom, ‘wag kang mag-alala sa akin. Ayos na ako.”
Tumingala si Eloise para tumingin. “Eveline, nakauwi ka na! Kumusta na? Nasa panganib ba ang buhay ng babaeng ‘yun?”
Umiling si Madeline. “Tinawagan ng doktor si Jeremy habang pauwi kami. Sabi nila hindi nanganganib ang buhay niya.”
“Buti naman.” Nakahinga nang maluwag si Eloise at Karen.
Kahit na maraming ginawa si Hannah na kinainisan nila, mahalaga pa rin ang buhay niya. Hindi nila gustong may mangyaring masama dito.
Sinabihan ni Karen ang mga katulong na linisin ang kubeta at sinabihan silang bantayan ang

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.