Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 2145

nang makitang mali ang pagkakaintindi ni Ava sa kanya, nagmadaling nagpaliwanag si Daniel. “Ava, masyado kang nag-iisip. Paano ko naman maiisipang gawin ‘yun? Ikaw lang ang pipiliin ko at sigurado ako diyan.” Seryosong inilahad ni Daniel ang hangarin niya. Alam ni Ava na hindi talaga ang iniisip niya ang ibig-sabihin nito, ngunit nang marinig niya ang seryosong paliwanag at pangako ni Daniel, hindi mapigilang mapangiti ni Ava. “Okay, binibiro lang kita. Sa ugali mo Dan, kahit lumapit pa sa’yo ang ibang babae, alam kong lalayo ka lang sa kanila.” “Ava, ‘wag kang nagbibiro nang ganyan,” Seryosong sinabi ni Daniel, “Atsaka, tawagin mo akong Danny.” Naging seryoso din si Ava sa seryosong tingin ni Daniel. Tumango siya at inilapag ang tinidor na hawak niya. “Kung ganoon, Danny, ano palang ibig-sabihin mo sa sinabi mo?” “Ava, ipangako mo sa aking mananatili kang kalmado kapag narinig mo ang sasabihin ko.” Tinignan ni Daniel si Ava nang nagmamakaawa. Kaagad na naramdaman ni Daniel

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.