Kabanata 2167
"Pagkatapos magsalita ni Ava nang pabiro, nilipat niya ang atensyon niya kay Laura na unti-unting bumabagsak ang mukha. "Ang totoo, nakita ko ang draft noong nagdala ako ng kape sa'yo ngayong hapon. Pero wala ako sa mood na ibuking ka non."
Pagkasabi niya nito, tinignan niya si Bill na basa ng malamig na pawis ang noo. "Alam ko rin na gusto mo akong paalisin kaya sinabihan mo ako na magpahinga at umuwi. Bill, maraming taon na tayong magkatrabaho pero iniisip mo pa rin na hindi ko alam kung anong klaseng tao ka?"
“...”
Mas lalong namutla si Bill. Kahit na kinakabahan siya, hindi pa rin niya nakalimutan na sumagot.
"Ava, anong sinasabi mo? Anong ibig mong sabihin na sinasadya kitang paalisin? Nakita ko na hindi mo pinagtutuunan ng pansin ang trabaho mo kaya sinabihan kita na magpahinga. Ayos lang kung hindi mo tatanggapin ang kabutihan ko, pero sinisiraan mo pa ako ngayon. I-Ikaw—"
"Mga aso lang ang naninira ng ibang tao. Hindi ko gagawin yun. Sinasabi ko lang ang katotohanan,"

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.