Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 2180

Tinignan niya si Fiona ng puno ng pagkadismaya, pagkatapos ay inayos ang kanyang sarili bago sagutin si Daniel. “Danny, ako ‘to. Naiwan ko ang phone ko sa may lamesa ko at bumalik ako para kunin ito. May kailangan ka ba sa akin?” Nang marinig ni Daniel ang boses ni Ava, kaagad naging mabuti ang pakiramdam nito. “Nagkataon na malapit lang ako ngayon sa opisina niyo kaya nagtataka ako kung pwede ba kitang yayain na kumain sa labas?” “Ano? Nasa baba ka ngayon?” Naglakas si Ava papunta sa bintana habang nagsasalita. Pagkatapos, tumingin siya sa labas. Kahit na mataas ang gusali, nakita pa rin niya ang pamilyar na kotse na nakaparada sa tabi ng kalsada sa labas ng entrancde ng gusali. Isang masayang ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha. “Baba na ako ngayon. Pakiusap hintayin mo ko.” Pagkatapos, binaba na ni Ava ang tawag ng masaya at lumingon upang lumabas ng opisina. “Ava, sinagot ni Fiona ang hone mo para sayo. Anong klaseng ugali yan? Hindi mo man lang siya pasasalamatan.”

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.